Malamig ang simoy ng hangin sa Antipolo….


Berks in Antipolo
Originally uploaded by annalyn.

…. at pagkatapos ng maraming kuwentuhan sa aming Gmail group ay natuloy din ang pagtitipon ng Blogkadahan sa magandang tahanan nina Batjay at Batjet sa Antipolo.Para sa isang katulad ko na siyudad ng Maynila lang ang karaniwang iniikutan, gusto ko ng umatras ng malaman kung sa Antipolo gaganapin ang EB. Allergic kasi ako pag naririnig ko ang mga pangalan na Antipolo, Alabang, Novaliches, Montalban,Fairview, etcetera…napakalayo po sa akin. Mabuti na lang, nakumbinsi ko ang kaibigan kong si Clarissa na i-test drive ang kanyang bagong Toyota Innova.

Napaka-cozy ng bahay ng mga David. Home sweet home ang dating. Nakita ko agad ang mga beloved Berks na sina Apol, Mari, Tito Rolly, Dr. Emer with his lovely Jane, Mec with her Jojo and of course the magnanimous host himself in blue puruntong. Sayang at di nakahabol si Ate Sienna who was supposed to plane in from California. Nagpipicnic ang mga Berks sa munting hardin na pinapalibutan ng mga beautiful vines at flowers.Napansin ko na kina-career nila ng pagkain ng inihaw na liempo, pansit bihon, kalderetang baka, tokwa’t baboy at litson manok kaya join naman kami ng friend ko.Masarap ang handa ni Jay at ang dalawa niyang mababait na alalay. Pero mas amazed ako at kasing-gana ko palang kumain si Mec at si Jane. Akala ko kasi ako na ang pinakamatakaw sa mga bubwit eh.


kainan
Originally uploaded by annalyn.

sassy
Originally uploaded by annalyn.

Late dumating si Sassy kaya pagdating nya ay panibagong round ng pagkain na naman. Nagdala sya ng masarap na Red Ribbon ube cake which went nicely with the Becky’s Kitchen brownies na bitbit ni Tito Rolly. Katakot-takot na tawanan at kuwentuhan ang naganap with matching guitar-playing by Tito R. Me gift-opening session pa dahil nun lang din dumating ang Christmas pasalubong ni Cathy from California…ang suwerte niyo,hehehe. Mapalad ako’t seatmate ko si Dr. Emer who willingly answered our health-related questions na me halong kaberdehan,nyahaha.


Me in Antipolo
Originally uploaded by annalyn.

What can I say, enjoy talaga ang mga Berks who are scattered in different parts of the world. Whether online or in person, ang babait at kuwela nila. I am fortunate to have known them all through the blogosphere.

Blog Widget by LinkWithin
Share and Enjoy:
  • Ratimarks
  • Digg
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Google Bookmarks
  • StumbleUpon
  • Technorati

  • » Happy holidays to one and all!
  • » My votes for the Top 10 Emerging Influential Blogs 2009 project
  • » Corporate blogging 101: should your company engage in it? (Blog-O-Rama)
  • » What is this thing about labelling bloggers into Exhibits A, B, and C?
  • » Soon to be Mrs. Z
  • Speak Your Mind

    Tell us what you're thinking...
    and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

    • Marj: Thanks so much! we have a Muslim guest coming this 15th and your info is truly a huge help. More power God bless
    • Lawrence: Having a relatively low pass rate should, to some extent, give the exams more credibility, as if very high...
    • Lhenszky: So on Feb.25 may work? Baka naman i-move na naman yun?Can you pls announce it earlier.Much better kung...
    • larry: may email address kaya cla.. pasend naman oh
    • Siv: Hi Ajay A good and a much needed info for me.. In your comments you have mentioned about Bombay Canteen, can you...
  • Thailand Holidays