RSS Feed

LP 46: Tipanan (date)

February 19, 2009 by ajay

Lake-Lovers

Ito ay isang lumang litratong kuha ko sa siyudad ng San Pablo, Laguna. Sa unang pagkakataon ay dumalaw ako sa lugar na ito at nabighani sa tahimik na lawa. Ang San Pablo ay tinaguriang “City of Seven Lakes.” Doon nga’y nakita ko ang babae at lalaking ito na magkatabi at nag-uusap kaharap ang tubig.Di ko alam kung magkasintahan sila kasi di naman nakayakap si Mister kay Miss. Pero kung ganitong lugar naman ang pagtitipanan nyo, it sets the tone, ika nga. Maraming magagandang nangyayari kung maganda ang paligid. Nagiging mas makulay ang buhay, di ba? Echoz!

Translation: This is an old picture taken in San Pablo City, laguna. It was my first time to visit San Pablo, the “City of Seven Lakes.” I saw this man and woman seated beside each other, facing the water. I didn’t know if they were a “couple” because they were not cuddling or holding hands. But I have to admit, good scenery like this sets the tone for beautiful things, and looking at the world in a different light.

A Happy Litratong Pinoy Day to all! Glad to be back from my absence ;)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

16 Comments »

  1. adinille says:

    hahaha! korek! kung di man sila mag-Un pagkaupo nila diyan, pagtayo nila, mag-Un na sila… romantic ng place eh! hehehe

    [Reply]

  2. Gizelle says:

    Nakakapagset ng mood ikaw nga ang ganitong mga lugar. Para bang sa inyo lang umiikot ang mundo…Happy LP!

    [Reply]

  3. FickleMinded says:

    may naalala naman ako sa post mo, may kaibigan akong taga San Pablo at doon kami lagi nag cecelebrate ng HolyWeek.Miss ko na tuloy!

    [Reply]

  4. ces says:

    tama, malaki ang nagagawa ng ambience:) e bakit parang ung babae ang nanliligaw? hehe:)

    [Reply]

  5. Thess says:

    echoz nga, ha ha ha!

    kumusta ang buhay misis =)

    [Reply]

  6. ajay says:

    @ Adinille, hahaha. Natawa ako sa comment mo. Pagtayo nila, either UN or MU na sila :D

    @Gizelle, Happy LP!

    @Fickleminded, gusto ko na ring bumalik sa San Pablo!

    @Ces, hahaha uli. Marami talagang kahulugan ang naibibigay ng piktyurs :P

    Thess, ang tindi mo Mare, napansin mo yung “Echoz!” :D

    [Reply]

  7. JoyD says:

    Maraming magaganap sa mga lugar na ganyan… may nag uusap,, nag memerienda at symepre may nagpaparamdan ng pagmamahal,,, by holding hands and by tight embrace,, wag lang yung malaswa…..!!!!! gandang araw sa yo eto sa akin http://aussietalks.com/2009/02/litratong-pinoy-tipanan-date.html

    [Reply]

  8. Mauie says:

    masarap mangarap kapag kasama mo ang mahal mo sa lugar na ganito.

    [Reply]

  9. luna miranda says:

    solo nyo ang daigdig ‘ika nga pag ganito ang lugar. tsaka malamig siguro ang simoy ng hangin dito kaya ok lang magyakapan.:D

    [Reply]

  10. julie says:

    Isa ito sa plano naming pasyalan :) Maganda nga daw, sabi ng anak ko na nag-fieldtrip na dito :)

    [Reply]

  11. Marites says:

    charing! kanila lang ang mundo:) ganda ng lugar ng tipanan nila ano.

    [Reply]

  12. haze says:

    sa unang tingin akala ko sa ibang bansa. yun pala sa laguna pala ito makikita. ang ganda!!

    happy lp sa iyo!

    [Reply]

  13. macy says:

    nice pic.

    got here through w@w. i have a tag for you in my blog.

    take care!

    [Reply]

  14. Linnor says:

    yan ang nakakatuwa sa paglilibot sa magagandang lugar. panigurado, merong magkatipan o nagliligawan pa lang na nandoon. :)

    [Reply]

  15. lino says:

    nice… happy LP! :)

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>