Litratong Pinoy 47: Bulaklak

Wedding Bouquet

Ngayong linggo sa Litratong Pinoy, ang pinag-uusapan ay bulaklak.

Kapag sinabi mong bulaklak eh wala akong maisip kundi ang magandang bouquet ng dilaw na calla lily na hawak ko nung kami ni WhizHeart ay kinasal kamakailan. Sobra akong nabighani sa bulaklak na ito kaya di ko sinunod ang tradisyon na itapon ito sa bouquet toss. Ganun na lang ang panunuksong inabot ko sa aking kabiyak at malapit na kaibigan. Selfish daw ako, hehe.

Ngayon ko lang naisip, nandun ang bulaklak sa bawat mahalagang bahagi ng buhay ng tao. Halimbawa na dito ang kasal, Valentine’s Day, pagkakasakit at pagkamatay. Ano ba ang ibig sabihin nito? Supposed to be nagbibigay tayo ng bulaklak para mapasaya ang isang tao. Bakit nga ba sa mga burol ay may bulaklak pa rin? Hindi naman siguro ito nagpapahiwatig ng kasayahan sa isang pangyayari. Ninanais lang ng nagbibigay ng bulaklak na sumaya ang mga nagdadalamhati.Ito’y sapagkat sa ating kalungkutan, nagbibigay ang bulaklak ng paalala ng kagandahan ng buhay.

P.S. Tutal pinag-uusapan na rin lang, this little space offers its condolences sa pamilyang naulila ng sampung taong bata na si Juan Carlo Miguel “Amiel Alcantara. Eto ang istorya. Hindi ko lubos maisip kung paano nangyari ang trahedyang ito. Ayokong magalit kasi Season of Lent na. Kailangang magpatawad at intindihin ang plano ng Diyos sa ating buhay. Kailangang mabuhay katulad ng isang bulaklak na umuusbong at punong-puno ng pag-asa. Nasa langit na si Amiel :(

Blog Widget by LinkWithin
Share and Enjoy:
  • Ratimarks
  • Digg
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Google Bookmarks
  • StumbleUpon
  • Technorati

  • » Help Haiti quake victims thru the power of technology
  • » Manila summit discusses latest trends in preschool education
  • » Flash update: Cebu Pacific, PAL flight cancellations due to Typhoon Santi
  • » Storm Ondoy brings floods to Manila and the rest of Luzon
  • » NUKS NUMUN moment: my digital perm at a Korean salon
  • Comments

    4 Responses to “Litratong Pinoy 47: Bulaklak”
    1. Gizelle says:

      Wow ang ganda pala nyan sa dilaw!

      Gusto ko lang sana sabihin, hindi pinlano ng Diyos na mamatay tayo, malungkot pero hindi nya yun plano, tinatawag ng bibliya ang kamatayan na kaaway ng Diyos.

      Anyway Happy LP!

    2. peachy says:

      ngayon langako nakakita ng dilaw na calla lily.. happy LP!

    3. Thess says:

      ha ha ha! Kahit siguro ako nde ko ibabato yan he he, sorry na lang silang dalaga.

    4. Linnor says:

      ang elegante ng pagkaka gawa ng bouquet mo ajay. na-preserve ba ito as a wedding memento?

    Speak Your Mind

    Tell us what you're thinking...
    and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

    • Marj: Thanks so much! we have a Muslim guest coming this 15th and your info is truly a huge help. More power God bless
    • Lawrence: Having a relatively low pass rate should, to some extent, give the exams more credibility, as if very high...
    • Lhenszky: So on Feb.25 may work? Baka naman i-move na naman yun?Can you pls announce it earlier.Much better kung...
    • larry: may email address kaya cla.. pasend naman oh
    • Siv: Hi Ajay A good and a much needed info for me.. In your comments you have mentioned about Bombay Canteen, can you...
  • Thailand Holidays