LP 52: Paboritong Litrato (Kalikasan)

Mahirap ang tema ng Litratong Pinoy ngayong linggo na ito kasi kailangang pumili ng paboritong photos. Mahirap kasi halos apat na libo na rin ang mga larawan ko sa Flickr, at ang iba namang paborito ko ay hindi na inabot ng digital age. Katulad ng mga coup d’etat nung late 80s at ang pagguho ng mga gusali sa Baguio. Kasagsagan pa yun ng aking mga coverage sa dyaryo. Sayang di ko iningatan kaya nawala na ang mga yun.

Ipapakita ko na lang ang ilang pictures sa mga paboritong lugar na napuntahan ko sa Pilipinas. Kung lalabas lang din tayong mga taga-Maynila ay masasabi nating pinagpapala pa rin ang Pilipinas sa angking ganda. Heto ang ilang magagandang tanawin:

us-usan sandbar

Us-usan Sandbar sa Guimaras. Di ko makalimutan ang lugar na ito kasi hanep sa pagka-birhen ang beach. Hindi rin dinadayo mg madlang people kaya heaven talaga pag pinuntahan mo.

Rice terraces

Banaue Rice Terraces. Sampung oras na byahe by bus pero sulit talaga pag pinuntahan mo. Sayang at di ako natuloy ng Sagada, minsan lang kasi ako magawi dito :(

Sunset

Terrazas de Punta Fuego, Batangas. Kahit wala sa Maynila, maganda pa rin ang sunset, laluna’t nasa tabing-dagat.

Halina’t magdiwang, 1st anniversary ng Litratong Pinoy. Ispesyal na pagbati sa mga taong naggugol ng oras para itayo at panatilihin ang grupong ito. Nice meeting you online! ;)

Blog Widget by LinkWithin
Share and Enjoy:
  • Ratimarks
  • Digg
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Google Bookmarks
  • StumbleUpon
  • Technorati

  • » To Tagaytay City, after a long time
  • » Cebu Pacific gets flak for refusing to carry special child
  • » Coron Gateway Hotel
  • » Coron, Palawan travel tips and mini guide
  • » Latest service from Cebu Pacific: a Travel Fund for cancelled, rebooked and rescheduled flights
  • Comments

    13 Responses to “LP 52: Paboritong Litrato (Kalikasan)”
    1. pareho tayo ng problema! ako rin sa dami na ng mga litratong nakunan ko, ang hirap pumili ng iisa lamang na paborito. kaya ang dami kong pinost! :D

      ang ganda nga naman talaga ng beach na ito. at totoo ang sinabi mo, kapag marami ng madlang pipol na nagpupunta, malaki na ang tiyansang hindi na maging kasingganda pa ang beach na ito.

    2. lino says:

      nice set of pics… Happy 1st Anniversary to us all!!! :)

    3. Kay says:

      Pinakagusto ko yung huling litrato. I have a thing for haunting shots e. Love it! Very nice composition.

    4. Linnor says:

      love that sandbar pic. bihira ako makakita nyan kahit maraming beaches in cebu :) yung banaue, next itinerary siguro pag may mahabang bakasyon. this holy week is ilocandia for our family. :D

    5. yeye says:

      tara na biyahe tayoo..WOW PHILIPPINES!!! :D

      ako din, may paboritong litrato! :D

      may peborits :D

      HAPPY ANNIVERSARY ka-LP!!!

    6. betchay says:

      Wow! How I wish I could visit the Rice Terraces too…

    7. sassy mom says:

      Ang ganda nga naman ng beach, at ang rice terraces, syempre pa. kahit hindi ko pa iyan nararating. Of course, na in love din ako sa Fuego. Ganda ng choices mo ajay!

    8. i love the sanbar pix

      sana maibigan nyo rin ang aking paboritong litrato

      magandang araw ka-litratista :)
      Salamat sa pagbisita :)

    9. stel says:

      hi ajay, mrs. Z!

      you’ve highlighted how postcard-picture-perfect our country is!

    10. Gmirage says:

      Kabighabighaning mga tanawin!wow! Perfect blue and white! Happy LP.

    11. Sidney says:

      Beautiful landscapes ! Paradise!?

    12. bertN says:

      Virginal nga ang beauty ng beach na ‘yan. Mabuti na lang na-capture mo ang beauty niya for posterity. Commercial developers and pesky tourists will eventually come and “uglify” it.

    13. iska says:

      wow! ang sarap tingnan…
      yan ang gusto, makakita ng mga larawan na kitang-kita ang ganda ng pilipinas. para kung may pagkakataon ako ay mapuntahan ko ang mga lugar na ito.

      love the 1st pic. peaceful.

    Speak Your Mind

    Tell us what you're thinking...
    and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

    • larry: may email address kaya cla.. pasend naman oh
    • Siv: Hi Ajay A good and a much needed info for me.. In your comments you have mentioned about Bombay Canteen, can you...
    • ajay: Question mark pa rin, haha. Never mind, buntis kasi ako :D Good luck with your entry ;)
    • Nicely: Hala bakit question mark ang lumabas after ’sexy’? Stay sweet and sexy ? dapat yan eh
    • Nicely: I wish I could buy that luxurious and elegant SE Experia :) Two of my officemates have just bought Satio last...
  • Thailand Holidays