Truth to tell, I wasn’t able to watch the Buzz yesterday because of the weekend market. Thank God, excerpts of the interview were readily posted on the internet. And just when I was enjoying the online replay, my internet connection at home became slow. It’s good that a friend forwarded me this transcript of KC’s much talked about interview with Boy Abunda in The Buzz. Read on:
Boy Abunda: Kristina (KC), this is not going to be easy para sa iyo, para sa amin. But we have to start this conversation somewhere.Umpisahan natin doon sa October 21 of last year, noong naging officially kayo ni Piolo Pascual. What was it like? Take me back to October 21.
KC Concepcion: “Actually, simula nung 18 ako, tri-ny na niya akong ligawan. But then in the the last three years talaga, since bumalik ako from abroad, siya yung unang bumungad sa akin—siya at saka yung barkada niya yung una kong nakilala.
Two years kasi ako Tito niligawan ni PJ [Piolo's nickname] — on and off.
So, talagang sa loob-loob ko, sabi ko, sabi nila, ‘Kailangan mo talagang kilalanin yung tao muna.’ So, yun yung ginawa ko, na talagang kinilala ko siya.
Simula ng Lovers In Paris na sinasabi niyang he wants to get to know me more than a friend. May mga times pa na mga three months hindi kami nag-uusap, tapos biglang bumalik siya, tapos nanligaw na talaga.”
Boy : What would you be thinking during those times na wala na tapos biglang babalik na naman?
KC: “Na baka hindi siya sure sa akin or… Parang iniisip mo na lang nung natapos yung Lovers, baka kasi break muna kasi nga araw-araw kaming nagkikita.
Basta nagde-date na rin ako ng iba na non-showbiz naman, so hindi na alam ng tao.
And then he came back nung April 2010, and then sabi niya nung birthday ko… Pinuntahan niya ako sa beach and then sabi niya sa akin, ‘Give me another chance.’”
BOY: At binigyan mo siya ng pagkakataon?
KC: Opo naman. After that, by October 2010, he asked me to be his girlfriend.
For me, ano lang, babae lang ako na niligawan, kinilig nang sobra. Kasi, di ba, tingnan ka lang ni Piolo ng konti, talaga namang…di ba, as a girl, kikiligin ka talaga? As I always say, ikaw ba ligawan ni PJ? Or somebody na kasing bait niya or somebody na ganyan kaguwapo… At that time, nagpapakatotoo lang naman ako.”
BOY: During this time na niligawan ka ni Piolo… Sigurado ako dahil meron akong nakausap na mga kaibigan at mga taong nagmamahal sa iyo, hindi sila boto kay Piolo.
Looking back ngayon, habang nag-uusap tayo, naiintindihan mo ba kung saan nanggagaling yung mga opinyon na yun?
KC: Napag-usapan namin ‘yan Tito Boy ni PJ, and sinabi rin naman po niya sa akin na meron din naman nagsasabi sa kanya raw na ayaw din nila sa akin for him. So, sabi ko, ‘Poproblemahin ba natin yun yung ibang tao? Kasi anyone can have naman an opinion about you, anyone can have an opinion about me.’ So, sabi ko, ‘Wag natin pansinin yung ibang tao. If anything, ako, sasabihin ko sa iyo I trust you. ‘So let’s make it a point na kung anuman yung sasabihin mo sa akin, kung anuman ang sasabihin ko sa iyo, yun ang paniniwalaan ko.’”
BOY: What was the best thing about that relationship?
KC: You know, it’s my first showbiz relationship, e.
BOY: Ibig sabihin, taga-showbiz?
KC: Yes, pareho kami ng trabaho. So, I think the best thing is that natuto ako na parang mas naging mas mature talaga ako sa relationship na ito.
First relationship ko rin na seryoso talaga, to the point na may mga bagay na hindi naman kumportable, nagagawa mong tanggapin kasi mahal mo and you choose to accept.
BOY: May mga bagay na mahirap pero tinatanggap, and that’s mutual.
KC: Mas naiintindihan ko kung ano yung pagmamahal. It sounds corny, pero yung mas accepting ako.
BOY: Ikumpara mo nga Kristina ang October 21 of 2010 at ang October 21 of 2011. May mga pagbabago? Pagkakapareho? Saan napunta ang relasyon?
KC: Marami pong naklaro sa akin.
BOY: Katulad?
KC: Yung mga kaya ko at di ko kayang gawin.
BOY: Bilang girlfriend?
KC: Bilang babae, na minsan… uhm, kailangan mo rin intindihin yung sarili mo.Kasi bigay lang ako nang bigay, saka iniintindi ko lahat, Tito Boy.
Parang masyado akong nagbigay ng benefit of the doubt sa lahat. Intindi lang ako nang intindi, tanggap lang ako nang tanggap. Yun pala, hindi pala dapat ganon.
(more…)