LP 56: Simula pa lamang…. (in the beginning)
Kinunan ko ang larawang ito habang lumalakbay ang aming binibyaheng jeep galing Mt. Pinatubo. Kahit kuha sa moving vehicle without any setting, natuwa naman ako at maganda ang kinalabasan nya. Ewan ko ba kung bakit tinuturing kong dramatic ang litratong ito at masasabi mong isang larawan to na paborito ko mula sa aming byahe. Sa tingin ko lang, akma ito sa tema ng Litratong Pinoy ngayong linggong ito.
Read more
LP 54: Gusali/Building
Kapag ako ay nagibibiyahe, mahilig akong maglitrato ng cityscapes. Meron pa nga akong kuha sa loob ng World Trade Center bago ito gumuho noong 2001.So far, na-compile ko pictures na kuha sa Singapore (mula sa hotel), Malaysia (siyempre, Petronas Tower), at Japan (nightscape). Pero ang paborito ko talaga ay ang skyline ng Hong Kong na kita mula sa Kowloon. Tingnan mo, parang surreal di ba?
(Whenever I travel, I make it a point to take pictures of cityscapes. I even had a pic taken inside the World Trade Center before it was shattered in 2001. So far, I’ve compiled shots I took in Singapore (from the hotel window), Malaysia (the Petronas Tower) and Japan (nightscape.) But my favorite really is the skyline of Hong Kong, as seen from Kowloon. It looks surreal, don’t you think?)
Read more
LP 46: Tipanan (date)
Ito ay isang lumang litratong kuha ko sa siyudad ng San Pablo, Laguna. Sa unang pagkakataon ay dumalaw ako sa lugar na ito at nabighani sa tahimik na lawa. Ang San Pablo ay tinaguriang “City of Seven Lakes.” Doon nga’y nakita ko ang babae at lalaking ito na magkatabi at nag-uusap kaharap ang tubig.Di ko alam kung magkasintahan sila kasi di naman nakayakap si Mister kay Miss. Pero kung ganitong lugar naman ang pagtitipanan nyo, it sets the tone, ika nga. Maraming magagandang nangyayari kung maganda ang paligid. Nagiging mas makulay ang buhay, di ba? Echoz!
Read more
Litratong Pinoy 41: Asul
Lumaki akong kaharap lang ang dagat kaya naman ako ay nabibighani kapag nakakakita ng tanawing tulad nito. Natatandaan ko noong ako’s maliit pa, nakikita ko ang mga mandaragat na pumapalaot sa kanilang bangka tuwing umaga. At pag gabi naman, naririnig ko sa aking kwarto ang paghampas ng alon sa mga bato.Too good to be true, pero totoo.
Masasabi mo ngang malayo na ang narating ko kasi nasa Maynila na ako. Pero ano naman ang panama ng mga naglalakihang mall at gusali ng siyudad sa puting buhangin at malawak na dagat na kinagisnan ko? Kahit wala man gaanong pinagpiyestahan na TV at tsokolate sa paglaki, nakaukit na sa isip ko ang mistulang paraisong kinamulatan na yon.
Bagong Panimula/New Beginnings
It’s Litratong Pinoy taym once again at okay ang tema ngayong linggo na ito: kahit ano puwedeng ipaskil at isulat. Pero bago ang lahat, binabati ko kayong lahat ng Happy New Year, gaano man ka-belated.
I like the New Year kasi it gives me an excuse to make resolutions na hindi naman lahat natutupad. Sa 2009, ito ang gusto ko:
1. Kumain ng mas maraming gulay at prutas. Mag-ehersisyo. Nakakatamad kasi.
2. Mag-blog pa rin, pero iwasan ang pagiging adik sa Plurk at Facebook ![]()
3. Magsuot ng mas maraming palda kesa pantalon, para naman feeling lady (hehe)
Litratong Pinoy 36: Eksayted!
Eksayted ako kapag mayroon akong regalong natanggap at hindi ko alam kung ano ang nasa loob nun.
Eksayted ako kapag nakakakita ako ng long-lost friends. (Lalo na pag may nagsabing “pumayat ka!”)
Eksayted ako kapag pumupunta sa lugar na hindi ko pa nararating. Siyempre, gusto kong subukan lahat ng pagkain at tanawin doon.
Eksayted ako sa nalalapit naming pagkikita ng aking Irog. <3
Eksayted ako kasi Pasko na!
LP 35: Ang pagwawagi
Nung bumisita kami ni WhizHeart sa Batanes ay nakuha ang atensyon ko ng batang pintor na ito. Patuloy lang sya sa paggawa ng kanyang obra maestra ng walang pakialam sa mundo. Kung ikaw ay mahilig sa sining na tulad ko, kamangha-mangha talagang pagmasdan ang gawain ng mga artists. Wag na nating bilangin si Michaelangelo. Hinahangaan ko ang mga artists dahil kaya nilang gumawa ng mga magagandang bagay sa mga pinagtagpi-tagping papel, bubog ng baso, basura at iba pang ordinaryo sa ating paningin.
Pagkaing kalye: madumi pero masarap ….
Susubukan ko ngayon na magsulat sa sariling wika sapagka’t trip kong sumali sa lingguhang meme ng mga bongga ka day na mga blogistang-litratista ng Litratong Pinoy! Aaminin ko na ang pangunahing atraksyon sa akin ng pagsali dito ay ang pagkakataon na magsulat muli sa Pilipino. Mas madaling magsalita kesa magsulat ng katutubong wika, di ba? at mahirap magsulat kung di mo man lang ito pina-praktis at ang gusto mo lang ay haypalutin na Ingles. Kaya samahan nyo po ako sa aking munting ensayo at talakayin ang tema ng LP ngayong linggo na ito na pinamagatang “madumi.”
Nakakapagtaka. Halos tatlong libo na rin ang mga larawang kuha ko sa Flickr, pero wala akong maisip na litratong aakma sa temang ito. Naisip ko tuloy na dapat yata ay magising na ako sa katotohanan at hindi na lang puro kagandahan ng buhay ang kunan.
Halimbawa: nandiyan naman ang mga barung-barong, ang kaawa-awang kalagayan ng Pasig River o di kaya ang mga gusgusing nilalang na nagpapalimos sa atin sa Maynila. Bakit kaya karamihan sa mga blogistang tulad ko ay puro masasarap na pagkain at magagandang tanawin na lang ang kinukunan? Hindi ba form of self-denial ito, o shying away from reality kaya? Muni-muni mode on!
Pagkain na naman ang naisip ko pag pinag-usapan ang “madumi” at yan ay ang street food!Wala nang ibang madumi na masarap di ba?










Blogging since 2004 and recently married to Mr Z. I can't live without coffee....and brown sugar.




